Patuloy na nakaaapekto sa buong Rehiyon ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ), na nagdadala ng maulap na kalangitan at kalat-kalat na pag-ulan sa ilang lugar.

Kabilang sa maaaring makaranas ng mga pag-ulan ang Tawi-Tawi, Lanao del Sur, Basilan, Maguindanao del Norte, Cotabato City, at Maguindanao del Sur.

Ayon sa weather outlook, asahan ang pulo-pulong pag-ulan, pagkulog, at pagkidlat, na maaaring maging katamtaman hanggang paminsan-minsang malakas.

Dahil dito, posible ang pagbaha at pagguho ng lupa, lalo na sa mga lugar na makatatanggap ng matagal o malakas na pag-ulan.

Pinapayuhan ang publiko na manatiling alerto sa lagay ng panahon at sumunod sa mga abiso ng lokal na awtoridad sakaling lumakas ang pag-ulan.