Naglabas ng pahayag ang Joint Task Force Orion ng 11th Infantry Division kaugnay ng ambush sa mga tauhan ng 45th Infantry Battalion sa Barangay Badja, Tipo-Tipo, Basilan kaninang umaga Oct. 5, 2026.
Ayon sa JTF Orion, ilang military personnel ang nasugatan sa insidente at agad na inilikas sa isang medical facility para mabigyan ng kaukulang lunas.
Agad ding nag-deploy ng reinforcement sa lugar upang palakasin ang seguridad at maiwasan ang panibagong banta sa mga tropa at kalapit na komunidad.
Kinondena naman ng JTF Orion ang insidente at sinabing nakikipag-ugnayan ang mga concerned units at awtoridad upang matukoy ang mga pangyayari at mapanagot ang mga responsable.
Nanawagan din ang grupo sa publiko na manatiling kalmado at iwasang magpakalat ng mga hindi beripikadong impormasyon na maaaring magdulot ng hindi kinakailangang pangamba o makaapekto sa security efforts.
Sinabi ng JTF Orion na maglalabas pa ng karagdagang impormasyon kapag mayroon nang mga detalyeng beripikado.

















