Pinalakas ng Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police, Moro Islamic Liberation Front, at mga peace mechanisms ang kanilang koordinasyon para mapanatili ang kapayapaan at seguridad sa Bangsamoro.

Nakatuon ang kanilang pagtutulungan sa pagprotekta sa mga komunidad, pagtugon sa mga usapin sa seguridad at kriminalidad, at pagpapanatili ng kaayusan sa mga lugar sa rehiyon.

Isinusulong din ang dayalogo at koordinasyon, kasabay ng pagsunod sa umiiral na mga batas at kasunduan, bilang paraan sa mapayapang pagresolba ng mga usapin sa seguridad.

Samantala, binigyang-diin ng 602nd Infantry Liberator Brigade ang papel ng MILF, PNP, mga lokal na pamahalaan, peace mechanisms at mga mamamayan sa pagpapanatili ng mga nakamit sa Bangsamoro peace process.

Patuloy naman ang panawagan para sa pagtutulungan at koordinasyon tungo sa pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad sa Bangsamoro.