Buong kaluwagang tinanggap ni MILF leader at kasalukuyang MP Abdullah “Kumander Bravo” Macapaar ang naging hatol ng Bangsamoro matapos na bigo itong makapasok sa 80 membered parliament ng BARMM nitong nagdaang halalan.

Hindi kasi ito napabilang sa 15 na party nominees ng United Bangsamoro Justice Party o UBJP na opisyal na prinoklama ng COMELEC na makakakuha ng kani-kanilang pwesto sa parliamento nitong Martes sa Camp Siongco.

Bagamat talo, aminado ito na naging masaya siya sa resulta ng halalan na pumabor sa mga kasama nito sa UBJP maging sa mga kinatawan ng partido sa bawat distrito ng parliamento.

Kabilang sa mga nahalal sa ilalim ng UBJP para sa kaunaunahang parliament si First Nominee at MP Elect MILF Chairman Ahod Balawag Ebrahim at Second Nominee at MP Elect MILF Vice Chairman Datucan “Mohagher Iqbal” Abas.