Naglabas na ang Partido Federal ng Pilipinas o PFP maging ang Lakas Christian Muslim Democrats o Lakas CMD ng mga opisyal nitong pambato sa tatlong matataas na posisyon sa lalawigan ng Maguindanao Del Norte.
Napagkasunduan ng dalawang partido na dalhin ang kandidatura nina Governatorial Aspirant Mayor Datu Tucao Mastura, One Maguindanao Elected Vice Governor at Vice Governatorial Aspirant Bai Ainee Sinsuat at si incumbent Maguindanao Norte with Cotabato City Congresswoman Bai Dimple Sinsuat bilang kongresista.
Napagkayarian ang nasabing kasunduan sa pamamagitan ng naganap na pagpupulong ng dalawang partido noong nakaraang linggo.