Nagsagawa ng dry run ang Maguindanao del Sur Provincial Police Office (MDSPPO) kahapon, Mayo 3, 2026 sa COMELEC Office sa Buluan bilang paghahanda sa nalalapit na BARMM Parliamentary Elections.
Pinangunahan ni Acting Provincial Director PCOL Michael John C. Mangahis ang aktibidad na layong mas mapalakas pa ang seguridad at kahandaan ng kapulisan sa panahon ng filing ng Certificates of Candidacy.
Isinagawa ang rehearsal sa ilalim ng supervision nina PLTCOL Lendzy S. Sinsuat at PLTCOL Glenn Mar B. Avisa, katuwang ang mga Chiefs of Police, Provincial Mobile Force Company, at PNP Special Action Force.
Tumutok ang aktibidad sa paglinaw ng mga tungkulin, paghasa sa deployment procedures, at pag-familiarize sa mga tauhan sa kani-kanilang areas of responsibility upang matiyak ang maayos na operasyon sa aktwal na proseso ng filing.
Ayon sa MDSPPO, bahagi ito ng kanilang pinalakas na preparasyon para sa isang maayos, ligtas, at kapani-paniwalang halalan sa rehiyon.
Tiniyak din ng kapulisan, katuwang ang COMELEC at iba pang partner agencies, na nananatiling prayoridad ang kaligtasan ng mga kandidato at publiko upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa buong proseso ng eleksyon.

















