Inilunsad kahapon Hunyo 11, 2025 ang unang seremonyal na pamimigay ng Safe Conduct Passes (SCPs) para sa mga miyembro ng MILF, MNLF, at CPP-NPA-NDF na nag-apply ng amnestiya sa ilalim ng National Amnesty Program.

Ang SCP ay nagbibigay ng pansamantalang proteksyon laban sa pag-aresto habang inaasikaso pa ang aplikasyon ng amnestiya. Ito ay isinagawa matapos ang kontrobersyal na raid ng NBI sa General Santos noong 2024, kung saan ilang dating rebelde ang naaresto kahit may amnesty applications na.

Dumalo sa seremonya ang mga mataas na opisyal ng MILF, Bangsamoro Islamic Armed Forces (BIAF), at mga kinatawan ng National Amnesty Commission. Kasama rin sa video ang pahayag ni Chief Minister at MILF-BIAF Chief of Staff Abdulraof “Sammy Gambar” Macacua.

Layon ng hakbang na ito na maiwasan ang muling pangamba sa hanay ng mga aplikante at masigurong ligtas silang makilahok sa prosesong pangkapayapaan ng pamahalaan.