NAGSAGAWA ng internal verification ang Moro Islamic Liberation Front Ad Hoc Joint Action Group o MILF-AHJAG at MILF Coordinating Committee on the Cessation of Hostilities o MILF-CCCH sa Barangay Manaulanan, Tugunan, Special Geographic Area ng BARMM kahapon September 22.

Isinagawa ang verification kaugnay ng naganap na engkuwentro sa pagitan ng Armed Forces of the Philippines o AFP at isang armadong grupo sa lugar.

Layunin ng verification na matukoy ang buong detalye at aktuwal na pangyayari sa likod ng insidente.

Personal na pinangunahan nina MILF-AHJAG Chair Anwar S. Alamada at MILF-CCCH Chair Malik J. Caril ang verification team.

Kabilang sa nagsagawa ng verification sina MILF-AHJAG Team Site 1 Leader Nor-Ali P. Alamada, Dhen M. Pandita ng MILF-AHJAG Head Secretariat, at Legal Council Atty. Badrudin “Bogaro Bador” Mangindra.

Nakilahok din sa verification ang ilang opisyal ng MILF-CCCH, AHJAG staff, dating Datu Salibo Mayor Norodin “Kumander Franco” Salasal, at mga kinatawan ng lokal na pamahalaan ng Tugunan at Barangay Manaulanan.

Ayon sa grupo, bahagi ito ng kanilang mandato para matiyak ang pagsunod sa ceasefire agreement at mapanatili ang kapayapaan sa mga komunidad sa SGA na apektado ng armadong labanan.