Nakipag-ugnayan ang Ministry of Public Order and Safety o MPOS-BARMM sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan bilang bahagi ng paghahanda para sa gaganaping Bangsamoro Parliamentary Elections o BPE sa Setyembre 14, 2026.

Dumalo ang MPOS-BARMM sa Coordinating Conference and Provincial Joint Security Control Center o PJSCC Meeting na pinangunahan ng Commission on Elections o COMELEC noong Agosto 19, 2026, sa Alnor Hotel sa Cotabato City.

Layunin ng pagpupulong na palakasin ang koordinasyon ng mga ahensya at paghandaan ang mga usaping pangseguridad bago at habang isinasagawa ang halalan.

Ayon sa MPOS-BARMM, patuloy nitong susuportahan ang inter-agency coordination upang matiyak ang ligtas, mapayapa at maayos na pagsasagawa ng Bangsamoro Parliamentary Elections sa Setyembre 14.