Niyanig ng magnitude 5.2 na lindol ang bahagi ng Sarangani at General Santos City nitong alas-9:54 ng umaga, June 10, 2026, ayon sa Earthquake Information ng mga otoridad.
Batay sa datos, natunton ang sentro ng lindol sa layong humigit-kumulang 11 kilometro hilagang-kanluran ng Glan, Sarangani, na may lalim na 10 kilometro.
Naitala ang Intensity III sa Malapatan, Sarangani at sa General Santos City, kung saan ilang residente ang nakaramdam ng mahinang pagyanig.
Sa ngayon, wala pang naiuulat na pinsala sa imprastruktura o anumang nasugatan dahil sa insidente, ngunit patuloy ang monitoring ng mga kinauukulang ahensya.
Pinapayuhan ang publiko na manatiling alerto sa mga posibleng aftershocks at sumunod sa mga abiso ng mga awtoridad hinggil sa kaligtasan.

















