Arestado ng mga tauhan ng Datu Odin Sinsuat Municipal Police Station si alyas She, 31 anyos, single at negosyante mula Malabang, Lanao del Sur, matapos itong mahuling nagpapakilalang pulis at abogado sa isang checkpoint operation sa Delta Bridge, Cotabato City, noong gabi ng Nobyembre 25, 2025.
Ayon sa ulat, pinahinto siya ng mga pulis at nagpakilala bilang miyembro ng PNP na nakatalaga sa CIDG at bilang abogado, subalit hindi ito nakapagpakita ng anumang valid identification. Dahil dito, agad siyang inaresto ng mga otoridad.
Nakuha mula sa kaniya ang isang pekeng tseke na nagkakahalaga ng P495,000 at isang diumano’y kinarnap na Toyota Vios na may plaka NDA 8227. Dinala ang suspek sa DOS MPS para sa mugshot, booking, at pag-file ng kaukulang kaso sa ilalim ng RA 10883, BP 22, at Usurpation of Authority.

















