Muling naging usap-usapan sa social media ang inilabas na paglilinaw ng Korte Suprema hinggil sa paggamit ng photocopy o duplicate ng mga dokumento bilang ebidensya sa mga paglilitis sa korte.
Umani ito ng panibagong atensyon matapos kuwestiyunin ni Carlo Narvasa ang ilang dokumentong iniharap ng prosecution sa impeachment trial ni Sara Duterte, dahil pawang mga photocopy umano ang isinumite.
Dahil dito, muling ibinahagi ng mga netizen ang pahayag ng Korte Suprema na inilabas noong Mayo 9, 2025. Ayon dito, maaaring tanggapin sa korte ang duplicate o photocopy ng isang orihinal na dokumento bilang ebidensya, kung walang tunay na pagdududa sa pagiging authentic ng orihinal na dokumento at kung hindi magiging hindi patas ang paggamit ng naturang kopya sa paglilitis.
Nakabatay ang naturang paglilinaw sa naging desisyon ng Korte Suprema sa kasong People of the Philippines v. Carlo Narvasa, kung saan pinayagan ng hukuman ang paggamit ng photocopy ng death certificate bilang bahagi ng mga ebidensya.
Gayunman, binigyang-diin ng Korte Suprema na ang pagtanggap sa photocopy bilang ebidensya ay hindi nangangahulugang awtomatiko na itong magkakaroon ng malaking bigat sa pagresolba ng kaso. Ayon sa hukuman, ang halaga o bigat ng naturang dokumento ay nakasalalay pa rin sa iba pang mga ebidensyang magpapatunay at susuporta rito.
Sa parehong desisyon, pinagtibay ng Korte Suprema ang hatol na reclusion perpetua laban kay Ybo Lastimosa matapos itong mapatunayang nagkasala sa kasong pagpatay.

















