Tinitrace ng Cotabato City Police Office o CCPO ang isang social media account na umano’y nagbanta laban sa isang estudyante ng Coland System Technology, Inc. sa Cotabato City.
Nakipag-ugnayan na ang CCPO sa Regional Anti-Cybercrime Unit para beripikahin ang naturang post at matukoy ang nasa likod ng account.
Nag-deploy na rin ng mga pulis sa paaralan habang nagpapatuloy ang beripikasyon at imbestigasyon sa umano’y banta.
Nakikipag-ugnayan din ang pulisya sa pamunuan ng paaralan at sa City Local Government Unit para sa kaukulang security measures.
Samantala, nanawagan ang CCPO sa publiko na huwag magpakalat ng mga impormasyong hindi pa beripikado at manatiling mapagmatyag.
Patuloy namang tinutukoy ng mga awtoridad kung sino ang nasa likod ng naturang social media post at kung may kaukulang pananagutang legal.

















