Arestado ang dalawang hinihinalang bigtime drug personalities sa ikinasang joint buy-bust operation ng Drug Enforcement Unit ng Lanao del Sur Police Provincial Office, pasado alas-otso ng umaga kahapon, June 29, sa Barangay Linuk, bayan ng Madalum.
Kinilala ng Madalum Municipal Police Station ang pangunahing target sa operasyon sa alyas “Abdullah”, kasama ang kasabwat nitong si alyas “Karim”.
Nasamsam mula sa mga suspek ang tinatayang 78.42 gramo ng hinihinalang shabu na may halagang Php 533,256, isang genuine na ₱500 marked money, at 29 na piraso ng photocopied na ₱500 bills na ginamit sa buy-bust.
Agad na dinala sa Madalum Municipal Police Station ang dalawang suspek at sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.