Dalawang indibidwal ang naaresto ng mga awtoridad sa isinagawang anti-illegal drug operation sa bayan ng Libungan, Cotabato.

Pinangunahan ang operasyon ng Libungan Municipal Police Station (MPS) sa ilalim ng pangangasiwa ni PMAJ Arnold A. Andaya, Chief of Police, katuwang ang mga operatiba mula sa CPPO PDEU, CPPO PIU, RIU12, RID12 Tracker Team Echo, 2nd CPMFC, at NISG-EM.

Ayon sa ulat, nakumpiska mula sa mga suspek ang humigit-kumulang 50.31 gramo ng hinihinalang ilegal na droga na may tinatayang standard drug price na umaabot sa P342,108.

Kasalukuyang inihahanda ng imbestigador ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Section 6 at Section 11, Article II ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa mga naarestong indibidwal.

Patuloy namang pinaigting ng mga awtoridad ang kanilang kampanya laban sa ilegal na droga upang mapanatili ang seguridad at kaayusan sa lalawigan.