Kinondena ng 602nd Infantry “Liberator” Brigade ang pag-atake na ikinasawi ng dalawang sundalo ng 7th Infantry “Tapat” Battalion.
Ayon sa brigada, ang insidente ay isang mabigat na paalala sa sakripisyong iniaalay ng mga sundalo para sa kapayapaan, seguridad at proteksyon ng mga komunidad.
Iginiit ng 602nd Infantry Brigade na ang pag-atake sa mga kawal na naglilingkod para sa kapayapaan ay pag-atake rin sa kapayapaang kanilang ipinagtatanggol.
Nagpaabot naman ng pakikiramay ang brigada sa mga pamilya, kasamahan at mahal sa buhay ng dalawang nasawing sundalo.
Binigyang-diin din nito ang paninindigan na manaig ang pagkakaisa, kapayapaan at hustisya sa halip na karahasan.

















