Dinaanan ng matinding pagluluksa ang Municipal Gymnasium sa Talacogon, Agusan del Sur ngayong umaga ng June 24, 2026, matapos magtipon ang libo-libong naulila at tagasuporta para sa Funeral Mass ni yumaong MVP Rene Clert “Bobet” N. Baterbonia, isang kilalang Agsurnon na atleta.

Dumalo sa huling misa ang kanyang mga magulang, kapatid, kamag-anak, kaibigan, mga kasamahan sa koponan, at iba’t ibang miyembro ng komunidad upang mag-alay ng panalangin at magbigay-pugay sa kanyang iniwang alaala bilang isang inspirasyon sa larangan ng palakasan.

Matapos ang seremonya, ihahatid ang mga labi ni Baterbonia sa Barangay Labnig Memorial Cemetery sa Talacogon, kung saan siya ang unang ililibing sa bagong tatag na memorial park—isang makabuluhang yugto na magsisilbing simula ng isang pook alaala para sa mga susunod na henerasyon.

Patuloy namang inaalala ng komunidad ang naging ambag ng yumaong atleta, na ang buhay at pamana ay inaasahang mag-iiwan ng inspirasyon sa mga kabataan ng Agusan del Sur.