Patuloy pa ring iniimbestigahan ng mga otoridad, partikular na ng Police Regional Office-BAR, ang insidente ng pagkamatay ng magasawang sina COMELEC Datu Odin Sinsuat Election Officer Atty. Maceda Abo at Jojo Abo nitong nakaraang buwan.
Sa eksklusibong panayam ng Star FM Cotabato kay PRO-BAR Regional Director PBGen. Romeo Macapaz, iniulat na ang pagkakapatay kay Atty. Abo ay may kinalaman sa kanyang trabaho bilang election officer, na itinuturing na isang election-related na insidente.
Gayunpaman, patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang kapulisan upang makuha ang mga tamang impormasyon at matukoy ang mga utak sa krimen at makasuhan ang mga responsable sa naturang krimen.
Ang karumal-dumal na insidente ng pagpatay sa magasawang Abo, pati na rin ang iba pang mga kasong karahasan, ay naging dahilan ng COMELEC upang isailalim sa kanilang superbisyon at kontrol ang bayan ng Datu Odin Sinsuat ngayong buwan upang tiyakin ang kaayusan at seguridad sa lugar.