Kinamusta at pinuntahan ni MILF Chairman, United Bangsamoro Justice Party President at MP-Elect Ahod “Alhaj Murad” Ebrahim, kasama ang buong Central Committee ng kilusan, ang mga pamilya ng mga nasawi at nasugatan sa mga insidente ng karahasan na naitala noong September 14 BARMM elections, partikular sa Cotabato City.
Naging madugo ang mga oras bago at ang mismong araw ng halalan sa ilang bahagi ng Cotabato City, kabilang ang ikalawang distrito, kung saan naitala ang ilang insidente ng karahasan.
Agad namang nagpahayag ng pakikiramay ang UBJP at Central Committee sa mga pamilya ng mga biktima, kasabay ng pagbibigay ng suporta sa mga naapektuhan ng mga insidente.
Ipinanalangin naman ni MP-Elect Ebrahim ang pagkamit ng hustisya para sa mga nasawi at nasugatan, na aniya ay nais lamang makilahok sa halalan at makapili ng kanilang mga lider sa rehiyon.

















