Nanguna ang pneumonia bilang pangunahing sanhi ng pagkamatay sa Cotabato Regional and Medical Center (CRMC) nitong Marso 2026, batay sa pinakahuling ulat ng Health Information Management Department ng ospital.
Ayon sa datos, naitala ang 21 kaso ng pagkamatay dahil sa pneumonia, na siyang pinakamataas sa top 10 leading causes of mortality sa naturang pagamutan.
Pumangalawa ang hypertensive diseases na may 14 na kaso, habang pumangatlo ang malignant neoplasm o cancer na may 20 kaso.
Kasunod nito ang transport accidents na may 17 na kaso, at iba pang sakit sa digestive system na may 13 kaso.
Nasa ikaanim na puwesto ang cerebrovascular diseases na may 12 kaso, habang ang ischemic heart diseases ay may 10 kaso.
Kapwa may tig-10 kaso rin ang disorders relating to length of gestation at fetal growth.
Naitala naman ang diabetes mellitus na may 9 na kaso, habang ang respiratory distress of newborn at intrauterine hypoxia at birth asphyxia ay kapwa may tig-7 kaso.
Patuloy ang paalala ng CRMC sa publiko na ugaliing pangalagaan ang kalusugan at agad na magpakonsulta upang maiwasan ang mga komplikasyon ng mga naturang sakit.

















