Pormal nang binuksan ang bagong Professional Regulation Commission o PRC BARMM Satellite Office sa CityMall Cotabato kahapon Setyembre 25.

Isinagawa ang inauguration ceremony dakong alas-9:30 ng umaga na dinaluhan ng mga opisyal mula sa PRC central at regional offices, gayundin ng mga kinatawan ng Bangsamoro Government.

Layunin ng bagong satellite office na mailapit at mapabilis ang mga serbisyo ng PRC para sa mga professionals at board exam applicants sa rehiyon.

Inaasahang makikinabang dito ang mga residente ng Cotabato City, Maguindanao del Norte, Maguindanao del Sur at mga karatig-lugar sa BARMM na nangangailangan ng mga transaksyon sa PRC.

Sa pamamagitan ng satellite office, hindi na kailangang bumiyahe nang malayo ng mga aplikante at professionals para sa ilang serbisyo ng komisyon.