Pinagtibay ng mga security officials sa Bangsamoro ang kanilang koordinasyon para sa mas maayos na pagtugon sa mga operasyon sa rehiyon.
Isinagawa ang coordination meeting sa Kampilan Officers Clubhouse, Camp BGen H. Siongco, Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte noong Setyembre 30, 2026.
Dumalo rito si Maguindanao del Norte Police Provincial Office o MDNPPO chief PCOL George D. Bagundol kasama si Cotabato City Police Office Director PCOL Jibin M. Bongcayao, gayundin ang mga opisyal ng militar at iba pang security stakeholders.
Pinangunahan ni BGEN Ricky Bunayog ang pulong na nakatuon sa nalalapit na Interoperability Test, Evaluation, and Enhancement Activity o ETIA.
Kabilang sa mga tinalakay ang pagsusuri sa umiiral na communication at coordination protocols, pagtukoy sa mga kakulangan sa kakayahan at pagpapahusay sa koordinasyon sa mga joint operation.
Layunin din ng aktibidad na masukat at mapalakas ang kahandaan ng mga participating agencies sa pagtugon sa mga security concerns sa rehiyon.
Pinangunahan naman ng 6th Infantry o Kampilan Division ng Philippine Army ang nasabing collaborative meeting.
Patuloy namang nakikipag-ugnayan ang MDNPPO sa mga katuwang na ahensya para sa pagpapanatili ng peace and order at public safety sa Maguindanao del Norte at Bangsamoro region.

















