Nagpaabot ng pagbati si Bangsamoro Chief Minister Abdulraof Macacua sa lalawigan ng South Cotabato kaugnay ng pagdiriwang ng ika-60 Founding Anniversary nito at ika-27 T’nalak Festival.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Macacua na ang pagdiriwang ay sumasalamin sa pagkakaisa ng iba’t ibang kultura at komunidad, kung saan aniya ang pagkakaiba-iba ay nagsisilbing lakas upang maisulong ang pag-unlad, paggalang sa isa’t isa, at pagkakaroon ng iisang adhikain para sa mas maunlad na kinabukasan.
Binigyang-diin din ng Chief Minister ang kanyang patuloy na commitment na palakasin ang ugnayan sa pagitan ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) at ng lalawigan ng South Cotabato.
Ayon kay Macacua, layunin ng naturang pagtutulungan na higit pang mapaigting ang pagsusulong ng kapayapaan, pagpapalawak ng mga oportunidad, at paglikha ng mas magandang kinabukasan para sa susunod na henerasyon.
Nagtapos ang kanyang mensahe sa pagbati ng “Congratulations” sa lalawigan ng South Cotabato at pagnanais ng matagumpay na pagdiriwang ng T’nalak Festival.

















