Arestado ang isang lalaki matapos ipatupad ng mga pulis ang warrant of arrest laban sa kanya sa Barangay Tamontaka, Cotabato City kahapon Oktubre 4, 2026.

Isinagawa ang operasyon dakong alas-3:05 ng hapon sa 2nd Road, Mother Barangay Tamontaka ng Tracker Team ng Police Station 3, kasama ang mga tauhan ng City Intelligence Unit at Cotabato Mobile Force Company.

Inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong Robbery sa ilalim ng Article 293 ng Revised Penal Code.

Ang warrant ay inilabas ng Regional Trial Court Branch 13, Cotabato City, noong Setyembre 9, 2026, na may inirekomendang piyansa na P72K.

Ipinaalam sa suspek ang kanyang mga karapatang konstitusyonal sa wikang kanyang naiintindihan bago siya isinailalim sa medical examination at dinala sa kustodiya ng Police Station 3.

Patuloy naman ang operasyon ng pulisya laban sa kriminalidad upang mapanatili ang seguridad at kaayusan sa komunidad.