Umanib ang gobernador ng lalawigan ng Sulu, maging ang mga alkalde nito sa Lakas Christian Muslim Democrats o LAKAS-CMD.

Pinangunahan mismo ng pinuno ng mababang kapulungan ng kongreso na si Speaker Ferdinand Martin Romualdez kahapon ang nasabing seremonya. Sa pahayag ni Lanao Sur Governor Mamintal Adiong Jr. na miyembro ng National Execom ng partido, maliban kay Gov. Abdusakur Tan Sr., may 19 na mga alkalde pa sa probinsya ang umanib sa partidong LAKAS CMD.

Nanumpa din sina Sulu Vicr Gov. Abdusakur Tan Jr., maging ang mga Board Members nito. Ginanap ang seremonya sa bayan ng Patikul partikular na sa Sulu Area Coordinating Center.

Maliban sa LAKAS CMD, pangulo ng Serbisyong Inklusibo, Alyansang Progresibo o SIAP Regional Party ang naturang gobernador ng Lanao Sur. Kasama ni Romualdez sina House Majority Leader Mannix Dalipe ng Zamboanga, Navotas Lone District Congressman Toby Tiangco, Agusan Congressman Jose Aquino II para saksihan ang nasabing pagpapanumpa.