Surprised and thankful si former Congresswoman Bai Sandra Sema matapos na mapangalanan ito bilang pambato ng United Bangsamoro Justice Party o UBJP para sa pagka kongresista ng Maguindanao Norte with Cotabato City.

Si UBJP President at Chief Minister of the Bangsamoro Government Alhaj Murad Ebrahim ang nagpangalan sa kanya bilang pambatong kandidato ng partido sa isang kaganapan ng partido kahapon.

Ayon kay Sema, nagulat ito sa naging anunsyo ng punong ministro ngunit nagpapasalamat ito kay Ebrahim at sa UBJP sa pagtitiwala na ibinigay nito sa kanya.

Marami pang dapat aniya tapusin sa probinsya maging sa lungsod at kanya itong magagawa kung siya ay makababalik sa kongreso.

Si Sema na tinaguriang arkitekto at ina ng BOL o ng Bangsamoro Organic Law na siyang nagtatag ng BARMM sa kasalukuyan ay makakalaban ang first term Congresswoman Bai Dimple Mastura ng SIAP.

Nauna na rin itong nanumpa sa kanyang national political party na Partido Federal ng Pilipinas o PFP.