Top 8 Most Wanted Person sa provincial level ng Maguindanao del Sur sa isinagawang Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) sa Barangay Poblacion, Buluan, Maguindanao del Sur nitong hapon ng Huwebes, Mayo 28, 2026.‎

Kinilala ang nadakip na si alyas “Joyjoy,” 35-anyos, residente ng Narra Street, Barangay Poblacion, Buluan.‎‎

Ayon sa ulat, dakong alas-2:30 ng hapon nang makatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad mula sa kanilang intelligence network na namataan ang akusado sa nasabing lugar.‎‎

Agad na nagsagawa ng operasyon ang tracker team ng Buluan Municipal Police Station sa pangunguna ng kanilang officer-in-charge, katuwang ang mga operatiba mula sa Provincial Intelligence Unit, Provincial Drug Enforcement Unit ng Maguindanao del Sur Provincial Police Office, at mga tauhan ng 3rd Maneuver Platoon ng 2nd Maguindanao del Sur Provincial Mobile Force Company.‎‎

Pagdating sa lugar, nakumpirma ang presensya ng akusado at siya ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court Branch 15, 12th Judicial Region noong Nobyembre 22, 2021.‎‎

Nahaharap ang akusado sa kasong paglabag sa Sections 5, 11, at 12 ng Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.‎‎

Matapos maaresto, ipinaalam sa suspek ang kanyang mga karapatan sa ilalim ng Miranda Doctrine at Anti-Torture Law.‎‎Kasalukuyang nasa kustodiya ng Buluan Municipal Police Station ang akusado para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon.‎