Ginugunita sa iba’t ibang panig ng mundo tuwing July 7 ang World Chocolate Day, bilang paggunita sa pinaniniwalaang pagdating ng tsokolate sa Europe noong 1550.
Ang tsokolate ay pangunahing ginagawa mula sa cacao beans at isa sa mga pinakapaboritong pagkain ng maraming tao sa buong mundo.
Ayon sa mga pag-aaral, nagtataglay ang tsokolate, partikular ang dark chocolate, ng mga natural compounds na maaaring makatulong sa pagpapalabas ng tinatawag na “feel-good chemicals” sa utak. Dahil dito, maaari itong makatulong sa pagpapagaan ng pakiramdam at pagpapabuti ng mood kapag kinonsumo sa tamang dami.
Gayunman, ipinapaalala ng mga eksperto na bagama’t may mga benepisyo ang tsokolate, mahalaga pa ring kainin ito nang katamtaman bilang bahagi ng balanse at masustansyang pagkain.

















