Nasabat ng mga tauhan ng Police Regional Office–Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR) ang puslit na sigarilyong tinatayang nagkakahalaga ng ₱760,000 sa isinagawang joint patrol operation sa Barangay San Raymundo, Jolo, Sulu kamakailan.

Aabot sa 20 kahon ng iba’t ibang brand ng sigarilyo na walang kaukulang dokumento ang na-intercept ng mga awtoridad sa operasyon.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Jolo Municipal Police Station ang mga nakumpiskang kontrabando at nakatakdang i-turn over sa Bureau of Customs para sa tamang disposisyon.