Isa ang nasawi habang mahigit 20 katao ang sugatan matapos maaksidente ang isang air-conditioned bus na biyaheng Cagayan de Oro City sa lungsod ng Oroquieta, Misamis Occidental, kahapon, April 13, 2026.
Batay sa inisyal na ulat, isang pasahero ang agad na binawian ng buhay sa pinangyarihan ng insidente habang ang iba pang mga sugatan ay agad na isinugod sa mga pagamutan para sa agarang lunas.
Agad na rumesponde ang mga tauhan ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), at Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) upang tumulong sa rescue operations at pag-aasikaso sa mga biktima.
Patuloy na inaalam ng mga awtoridad ang eksaktong sanhi ng aksidente.
Samantala, muling pinaalalahanan ang mga motorista na mag-ingat sa pagmamaneho at iwasan ang sobrang bilis upang makaiwas sa mga aksidente sa kalsada.

















