14 na indibidwal, naitakbo sa ospital matapos ang pagsabog sa Magsaysay, Baguio City; suspek, naaresto
Naitakbo sa paggamutan ang 14 na indibidwal matapos ang nangyaring pagsabog sa bahagi ng Magsaysay kaninang umaga, Abril 13, 2026.

Sa inisyal na impormasyon na nakuha ng Bombo Radyo News Team, isang lalaki ang nagbato ng improvised explosives sa isang
diumano’y sugalan sa terminal ng jeep sa Magsaysay, Baguio City.
Naipaalam ang naturang insidente sa mga awtoridad pasado alas tres ng madaling araw kanina.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng pulisya ang isang suspek.

Nagpapatuloy naman ang Post Blast Investigation ng SWAT a SOCO.