(18) Labing-walong medalya na kinabibilangan ng (6) anim na ginto, (5) limang pilak at (7) pitong tanso ang naiuwi ng ating mga Atletang Bangsamoro sa katatapos lamang na Palarong Pambansa 2024.

Ang mga gold medalist na nag-uwi ng karangalan sa ating rehiyon ay sina Joeharry Bimes ng Cotabato City para sa Taekwondo Kyurogi at Jamal Rahmat Pandi ng Lanao Sur II para naman sa Badminton Singles Secondary Boys.

(4) Apat naman na gold ang napanalunan ng BARMM sa paragames ito ay sina Al-fhar Adtig na nanalo sa Longjump, John Rey Bonoan para sa 50m Butterfly Swimming at Reyniek Mobadon sa long and high jump.

Isasagawa ang palarong pambansa sa Ilocos del Norte sa susunod na taon.