Ibinalik sa kani-kanilang units at tanggapan ang mga tauhan ng provisional battalions ng 1st Infantry Division matapos ang kanilang security mission sa Lanao del Sur kaugnay ng unang Bangsamoro Parliamentary Elections noong Setyembre 14.

Pinangunahan ni 1st Infantry Division Commander Major General Yegor Rey P. Barroquillo Jr. ang welcome at deactivation ceremony para sa mga nagbalik na tauhan ng provisional battalions.

Nakatuon ang kanilang deployment sa pagpapalakas ng seguridad sa Lanao del Sur kasama ang Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police, Commission on Elections at mga lokal na pamahalaan.

Ayon sa 1ID, walang naitalang violent incident sa Lanao del Sur sa buong panahon ng halalan.

Matapos ang kanilang misyon, pormal nang dineactivate ang provisional battalions at nagbalik ang mga tauhan sa kanilang mga regular na units at tanggapan.