Tinambangan ng dalawang hindi pa nakikilalang suspek na sakay ng motorsiklo ang dalawang lalaki sa Nabalawag, Special Geographic Area o SGA, BARMM, kaninang umaga, Setyembre 29.
Naganap ang pamamaril bandang alas-7:03 ng umaga sa bahagi ng Nabalawag-Maharlika Highway, sa harap ng bahay ni alyas Sali sa Barangay Olandang.
Ayon sa paunang ulat, nakatayo ang mga biktima sa naturang lugar nang biglang dumating ang dalawang suspek at pinagbabaril sila.
Dead on the spot si Ebrahim Blah Madidis, habang sugatan naman si alyas Sali.
Agad namang nagsagawa ng imbestigasyon at hot pursuit operation ang Nabalawag Municipal Police Station para matukoy at maaresto ang mga suspek.
Tumakas ang mga suspek sakay ng motorsiklo patungo sa hindi pa matukoy na direksyon.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya para matukoy ang motibo at pagkakakilanlan ng mga nasa likod ng pamamaril.

















