Kalaboso ngayon ang isang manyakis na suspek sa pangmomolestiya ng dalawang minor de edad na pamangkin nito sa Barangay Poblacion 7, Cotabato City.

Ito ay sa pagkumpirma mismo ng alkalde ng siyudad na Mayor Bruce Matabalao matapos nito personal na makausap ang mga biktima.

Positibong itinuro si alyas Boy ng mga magulang na responsable sa panghahalay ng dalawang bata.

Sa pagtataya ni Matabalao, lango sa iligal na droga ang suspek kaya nito nagawa ang panghahalay at pang-aabuso sa (2) dalawa nitong pamangkin na nasa edad 4 at 5 taong gulang.

Inihahanda na ngayon ng pulisya ang kasong Rape sa manyakis na tiyuhin at kasalukuyang nakakulong na ang suspek sa PNP Station 1.

Ipapasuri naman sa doktor ng CRMC ang dalawang menor de edad bilang Standard Operating Procedure o SOP sa mga naabuso at hinalay.