Inanunsiyo ng state weather bureau na may posibilidad na tatlong low-pressure areas (LPA) ang mabuo sa Pacific Ocean sa huling linggo ng Mayo 2026.

Isa sa mga ito ay maaaring pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR), ngunit mababa ang tsansa na maging ganap na bagyo.

Ayon sa ahensya, ang mga senyales ng papalapit na tag-ulan ay nakikita na sa bansa, kabilang ang madalas na pagkakaroon ng localized thunderstorms at pag-ulan sa ilang rehiyon.

Gayunman, nananatiling mainit at maalinsangan ang panahon sa Luzon at Visayas.

Pinayuhan ang publiko na patuloy na mag-monitor ng mga abiso dahil maaaring magbago ang forecast sa mga susunod na araw, lalo na’t ang mga LPA ay maaaring magdala ng ulan kahit hindi maging tropical cyclone.