Umarangkada ang 4BFP o Bangsamoro Federalist Party sa campaign rally at miting de avance nito sa Sultan Mastura, Maguindanao del Norte nitong Miyerkules, Setyembre 9, bilang bahagi ng kampanya para sa unang Bangsamoro Parliamentary Elections sa Setyembre 14.
Tampok sa aktibidad ang mga kandidato at sectoral representatives ng partido, kabilang si Women Sector first nominee Jehan A. Usop.
Inilahad ng mga kandidato ang kanilang mga posisyon at pangunahing layunin para sa Bangsamoro, kasabay ng panawagan sa mga botante na suriin ang mga programa at plataporma bago magpasya sa halalan.
Isinagawa ang pagtitipon sa Sultan Mastura Municipal Gymnasium sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Armando Mastura.

















