Tinupok ng malaking sunog ang mga tindahan ng ukay-ukay sa Purok Islam, Barangay Dadiangas South, General Santos City, pasado alas-onse kagabi, Oktubre 25, 2026.

Nagdulot ng pangamba sa mga residente sa paligid ang lawak ng apoy na tumupok sa mga tindahang nagbebenta ng mga segunda-manong damit.

Agad na rumesponde ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection o B-F-P General Santos City upang apulahin ang sunog at maiwasan ang pagkalat nito sa mga kalapit na establisimyento.

Sa ngayon, patuloy pang iniimbestigahan ng B-F-P General Santos City ang insidente upang matukoy ang sanhi ng sunog at ang kabuuang halaga ng pinsala.