Idineploy sa Maguindanao del Sur ang tinatayang 500 tauhan ng Philippine National Police Special Action Force o PNP-SAF bilang bahagi ng pagpapalakas ng seguridad sa lalawigan.

May kasama ring light armored vehicles ang SAF na nakahanda para sa mabilis na deployment at pagtugon sa mga banta at lawless elements.

Bilang counter-terror unit, dala ng mga SAF troopers ang kanilang specialized training at combat readiness sa mga lugar na itinuturing na vulnerable sa karahasan at iba pang security threats.

Makikipagtulungan naman ang SAF sa Maguindanao del Sur Police Provincial Office para palakasin ang koordinasyon at operasyon sa ground.

Layunin ng joint security effort na mapalawak ang ground coverage, mapabilis ang pagtugon sa mga insidente at maprotektahan ang mga komunidad at mahahalagang pasilidad sa lalawigan.

Ayon sa inilabas na pahayag, ang repositioning ng SAF ay bahagi rin ng mga hakbang ng pamahalaan para mapanatili ang peace, order at public safety sa Maguindanao del Sur.

Photos from PNP Maguindanao Del Sur Police Provincial Office