Aabot sa 900 reams na may halagang aabot sa P666,000.00 ng suspetsadong iligal na smuggled yosi ang nasamsam sa operasyonn ng kapulisan sa Subah Datu, Barangay Kajatian, Indanan Sulu kamakalawa ng gabi.

Sa pinagsamang elemento ng RMFB 14-B at ng Indanan MPS, nagsasagawa ang mga ito ng routine patrol ng madiskubre nito ang mga kahon kahong sigarilyo na nakatambak lamang sa kalsada.

Sa naging inspeksyon, tama ang naging kutob nila at ang kanilang hinala na ito ay tinambak upang kunin at idispose sa ibang lugar. Samut saring ream ng mga sigarilyo ang nakuha sa nasabing operasyon.

Iniimnestigahan pa ang naturang mga kargamento at upang matugis ang mga responsable sa iligal na aktibidad habang nasa pangangalaga na ng Indanan MPS ang mga ito para sa gagawing turn over at dokumentasyon.