Mariing itinanggi ni Senator Robinhood Padilla ang kumakalat na isyu na umano’y nagtaas siya ng “dirty finger” habang sabay-sabay na inaawit ang Lupang Hinirang sa Senado.

Lumabas kasi ang ilang larawan nitong Lunes kung saan makikitang nakataas ang isang daliri ng senador habang nakapatong ang kamay sa kaniyang dibdib. Para sa ilan, mistulang gitnang daliri ang kanyang ini-angat.

Ayon kay Padilla, malinaw na paninira lamang ang isyung ito. Paliwanag niya, ang iniangat niya ay ang hintuturo o index finger—isang simbolo na ginagamit sa pananampalatayang Islam na nagpapahiwatig ng paniniwala na iisa lamang ang dapat sambahin, si Allah.