Tukoy na ng Cotabato City PNP ang mga may-ari ng dalawang Toyota Fortuner na pinagdiskitahang wasakin ng mga grupo ng kalalakihan kahapon sa bahagi ng Sero Central Elementary School sa Cotabato City kahapon.
Sa pahayag ni CCPO City Director Col. Jibin Bongcayao, tukoy na nito ang pagkakakilanlan ng mga may-ari ngunit di nito pinangalanan ang dalawa.
Kanila na lamang ding inaabangan kung magsasampa ng kaso ang mga ito laban sa mga nanira ng kanilang ari-ariang sasakyan.
Nagugat ang pagwasak dahil sa alegasyon na may nagaganap na dayaan sa loob ng paaralan na pumapabor sa isang partido kahapon.
Sa alegasyon naman na may lamang baril ang mga sasakyan, sinabi ng CCPO na walang naiturn-over sa kanila ang mga tauhan nito na baril matapos na mabuksan at siyasatin ang isang SUV ng kapulisan.
Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng CCPO sa nasabing insidente.

















