Nasabat ng mga tropa ng 95th Infantry (Salaknib) Battalion at 17th Infantry Battalion sa ilalim ng 502nd Infantry Brigade ng 5th Infantry Division, Philippine Army ang tatlong improvised explosive devices (IEDs) sa isang joint operation na isinagawa noong Oktubre 2, 2025 sa dating kampo ng nabuwag na Komiteng Rehiyon Cagayan Valley (KRCV).
Tinatayang tumitimbang ng apat na kilo bawat isa ang mga nasabat na IED na maaaring magdulot ng matinding pinsala kung sumabog. Agad namang isinuko sa mga awtoridad ang mga pampasabog para sa tamang dokumentasyon at disposal.
Ayon sa Philippine Army, patuloy nilang isinasagawa ang mga focused military operations upang tiyakin ang katahimikan at kaligtasan ng mga mamamayan sa buong Cagayan Valley region.