Isang bata ang namatay matapos itong mahulog mula sa kanyang katre nang maranasan ang malakas na 7.6 magnitude na lindol kaninang umaga sa Pantukan, Davao de Oro.
Sinubukan pang iligtas ng pamilya at mga kapitbahay ang bata, ngunit hindi na ito naisalba.
Ang mga awtoridad mula sa Pantukan Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ay nagsasagawa na ng imbestigasyon at pagsusuri sa kaligtasan ng mga tahanan na apektado ng lindol.
Pinapayuhan din ang mga residente na manatiling alerto, huwag mag-panic, at sundin ang mga safety guidelines tuwing may lindol at mga aftershocks.