Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente ng pamamaril sa loob ng 3rd Infantry Division Camp, General Macario Peralta, Barangay Jaena Norte, Jamindan, Capiz, na ikinasawi ng isang sundalo nitong madaling araw ng February 10, 2026, bandang alas-12:20.

Kinilala ang biktima bilang si Private First-Class Wencel Jay Puntuan, residente ng Purok 2, Barangay Cabpangi, Libungan, Cotabato.

Ayon sa paunang imbestigasyon, kapwa nag-iinuman ang biktima at ang suspek na si PFC Rosarjoe Manajero, 31, residente ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte, nang maganap ang insidente. Matapos ang kanilang inuman, bumalik sa kanyang kwarto ang suspek at biglang nagwala.

Sinubukan ng biktima na pigilan ito, ngunit pinagbabaril siya sa likod ng ulo at agad na namatay.

Naaresto kaagad ang suspek at kasalukuyang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang motibo at iba pang detalye ng pamamaril.