Tagumpay na naisilbi ng Cotabato City Police Station 1 ang warrant of arrest laban sa isang lalaki dahil sa kasong panggagahasa sa bahagi ng PC Hill, Rosary Heights 1, Cotabato City, alas diyes nitong Martes.

Kinilala ni Cotabato City Police Station 1 Commander PMaj John Vincent Bravo ang arestadong si alyas Tata, 43 anyos at residente ng Poblacion 4 ng lungsod.

Ang suspek ay may kasong 10 counts of Statutory Rape na inilabas ng korte noong August 09, 2024 at wala itong inirekomendang piyansa. Sa ulat ng kapulisan, si alyas Tata ay tinaguriang Top 2 Most Wanted sa Station Level at Top 2 naman sa City level.

Si Tata ay kasalukuyan ng nakapiit sa himpilan ng Cotabato City Police Station 1 at nakatakdang iharap sa korte para sa paglilitis.