Nagtalaga ang Cotabato City Police Office ng mahigit 300 police personnel sa paligid ng Bangsamoro Government Center bilang bahagi ng pinaigting na seguridad kaugnay ng isinagawang MILF Emergency Rally ngayong araw, Mayo 18, 2026.

Ayon kay PLT Rochelle D. Evangelista, layunin ng deployment na matiyak ang kaayusan, kaligtasan, at mapayapang pagdaraos ng aktibidad habang nagpapatuloy ang pagtitipon ng mga miyembro at supporters ng Moro Islamic Liberation Front sa Bangsamoro Government Center.

Patuloy namang nakaalerto ang mga kapulisan at nakikipag-ugnayan sa iba pang security forces upang mapanatili ang peace and order at agad na matugunan ang anumang posibleng insidente habang isinasagawa ang rally.