Nakatakdang maghain ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng kasong kriminal laban sa mga “big fish” o malaking isda na sangkot sa flood control scandal.
Ginawa ni DPWH Secretary Vince Dizon ang anunsiyo ngayong Miyerkules, Hunyo 3, kasabay ng inspeksiyon sa Matalahib Creek Pumping Station sa Quezon City.
Tumanggi naman ang kalihim na pangalanan ang mga respondent subalit sinabing ang mga ito ay high profile o malalaking tao at mula sa Bulacan.
Ihahain aniya ang mga kaso bukas, Huwebes, Hunyo 4 sa Malolos Regional Trial Court.
Matatandaan, nauna nang inaprubahan ng Office of the Ombudsman ang criminal charges kabilang ang plunder laban sa mga prominenteng mambabatas kabilang na si Senador. Jinggoy Estrada at dating mga opisyal ng DPWH.
Nauna na ring naghain ng mga reklamo ang DPWH at mga kaso laban sa ilang district engineers at private contractors dahil sa maanomaliyang mga proyekto na nagkakahalaga ng daan-daang milyong peso sa Bulacan at iba pang mga probinsiya.

















