Pormal ng isinilbi nitong lunes, Hunyo 8, ang warrant of arrest laban sa kontratistang si Curlee Discaya kaugnay ng kinakaharap nitong kaso malversation na walang inilaang pyansa.
Ang kaso ay nag-ugat sa umanoy pagkakasangkot ni Discaya sa isang malawakang kickback scheme na may kaugnayan sa pagpapatupad ng mga proyektong flood control. Ayon sa mga awtoridad, bahagi ito ng nagpapatuloy na imbistigasyon sa umanoy iregularidad sa paggamit ng pondo ng pamahalaan.
Bago ang pagsisilbi ng warrant, nakadetine si Discaya sa Senado matapos itong ma-cite in contempt. Matapos maisilbi ang kautusan ng hukuman, agad siyang isinailalim sa kustodiya ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group(PNP-CIDG)
Kasunod nito, inihatid si Discaya sa Malolos, Bulacan upang sumailaim sa mga kinakailangang legal na proseso kaugnay ng pag-aresto.
Noong Biyernes, nagpalabas ng regional Trial Court ng Malolos ng warrant of arrest laban kay Discaya, at siyam pang iba na umano’y may kaugnayan sa nasabing kaso.
Samantala, patuloy na inaabangan ng publiko ang mga susunod na hakbang ng mga awtoridad habang nagpapatuloy ang imbistigasyon at pagdinig sa usapin.















