
Nagpatawag si Ferdinand Marcos Jr. ng special session sa Senado at Kamara sa Hunyo 17 upang talakayin ang ilang nakabinbing priority measures ng administrasyon at aksyunan ang mga appointment sa gabinete, militar, at foreign service.
Sa ilalim ng Proclamation No. 1318 na nilagdaan ng Pangulo, inatasan ang Kongreso na agarang pag-usapan ang siyam na panukalang batas na nasa advanced stage na ng legislative process.
Kabilang sa mga prayoridad na panukala ang AICS Act, Anti-Political Dynasty Law, Presidential Merit Scholarship Program, Last Mile Schools Act, pagtatatag ng National Center for Geriatric Health, at iba pang mga panukalang may kaugnayan sa edukasyon, nutrisyon, at social protection.
Layunin ng special session na mapabilis ang pagpasa ng mga mahahalagang panukalang batas bago matapos ang kasalukuyang sesyon ng Kongreso.
















